These past few days, super tinatamad na talaga ko, lalo na yung pagrereview. As in! grabe! Kapag nagrereview ako, parang wala lang, kaya tuloy wala akong masyadong natatandaan. :(( Kung kelan 4th year na at graduating pa! Amp. >.< I hate it! Tapos, there’s this one subject na sobrang hirap talaga, na kahit anong aral ang gawin ko, hindi ko matandaan yung mga terms. AGGHHH! Pero kahit ganun pa man, God is so good. Meron kasing part ng quiz dun sa subject na yun na talagang hindi ko alam pero syempre, sinagutan ko pa rin, hula-hula lang. Then, nung nakita ko na yung result ng quiz, grabe lang! Sobrang nagulat ako kasi puro tama pa ko dun sa part yun. Ang galing talaga! Kaya ayun, sana lang maovercome ko yung katamaran ko na yun.








