Damsel out of Distress

Home

Archive

Ask an Advice

Facebook

Twitter

Instagram

Jasmine. 20. Psych Major. Koreanovela Addict. Frustrated Writer. Silent Reader. Music Lover. Movie Fanatic. Average Performer. Peace Maker. Cheerful Giver. Bitter Sweet. Negative Thinker. Friendly Stranger. Child of GOD.
f0o0od:

southwest wontons

f0o0od:

southwest wontons


326 notes | Reblog
3 months ago

Crush on Him

Nagkatitigan kami. Parang may magnet na nag-aattract sa’kin sa mga mata niya. Hindi ko alam pero ilang segundo rin ‘yun, hindi ko alam kung bakit ayaw maalis ng titig ko sa kanya. Is it just me? Buti na lang at nagsalita siya kaya nawala ang titigan namin. Hindi ako nakapagsalita ng maayos, pumunta ako sa dapat kong puntahan, at napasandal sa pintuan. Napahawak ako sa dibdib kong malakas ang pintig. Gusto kong magtitili sa kilig. Hindi ko maipaliwanag ang nangyari, alam ko namang simpleng pagkacrush lang ‘yun pero bakit ganun. Ano yung nangyaring titigan??

Akala ko sa mga love stories at movies lang nangyayari yan, pero masaya na rin ako dahil sa pagkatapos ng mahabang panahon, ngayon lang ulit ako kinilig ng ganun. Thanks to him, nainspire ako sa pagtatrabaho ko, and now I’m leaving. Sana man lang mas makilala ko pa siya.


At dahil minsan lang ako magshare ng mga ganitong bagay e lulubos-lubusin ko na. Masyado lang talaga akong naoverwhelmed. Haha.

Kanina, nagulat ako ng bigla akong inapproach ng konduktor, “Ma’am may ballpen ka ba? Nawalan kasi ng tinta ‘yung ballpen ko.” Ako naman e napa-“Ha?” kasi wala ako sa sarili. Busy ako sa pag-inom ng chillz at pagkalikot ng cellphone ko. Haha! Hinalungkat ko naman ang magulo kong bag at buti na lang ay agad kong nahanap ang ballpen ko at inabot ko sa kanya, babalik na lang daw niya mamaya. Ako naman e napaisip kung bakit sa dinami-dami ng pasahero e ako pa ang hiniraman ni kuya. Haha! Hindi naman sa ayaw ko siyang pahiramin, napaisip lang talaga ako. Hahaha! Buti na lang may ballpen ako dahil balak ko pa namang iwan sa office kanina.

Tapos, napag-isip-isip ko rin, madalas akong iapproach ng mga taong hindi ko kilala. Madalas magtanong ng direksyon at kung anu-ano pa. Napaisip tuloy ako, ganun ba ko kaapproachable? Hahaha. Anyway, balik tayo kay kuyang konduktor. Habang hiniram niya yung ballpen e, naisip kong makakalimutan na niyang isauli yun dahil sa dami ng pasahero kaya hahayaan ko na lang sa kanya yun. Hahaha! Pero after ilang minutes, habang nagtiticket pa ulit siya ng mga bagong sakay na pasahero e, binabalik niya sa’kin yung ballpen. Ako naman e, naisip kong wala ng gagamitin si kuya kapag kinuha ko ‘yun kasi hanggang Hagonoy pa ‘yung byahe ng bus. Kaya naman, binigay ko na sa kanya ‘yung ballpen. Nagpasalamat naman siya, sobra sobrang pasasalamat. As in! Ako naman e natuwa kay kuya kasi parang ang laking bagay nung ginawa ko. Tapos nung pagbaba ko ng bus, nakita niya ko, kahit busy siya sa pag-aayos nung bagahe ng ibang pasahero dun sa compartment e, ang sabi niya ulit, “Ma’am, salamat ulit ah. Ingat po kayo!” with matching hand gesture pa. Haha! Naoverwhelmed naman ako masyado sa konduktor na ‘yun. Kahit napakaliit na bagay lang nung ginawa ko e, feeling ko ang laki-laki dahil sa sobrang pasasalamat niya. Imbis na siya ang mabless sa maliit na bagay na ginawa ko e, parang ako pa ang sobrang nablessed dahil lang sa abot abot na pasasalamat niya.

Lesson: Kapag ginagawan tayo mabuti ng isang tao, ‘wag nating kakalimutang magpasalamat kahit gaano man kalaki o kaliit ‘yung bagay na ‘yun kasi hindi natin alam kung ano ang nagagawa ng simpleng pagsasabi natin ng ‘thank you.’

Share lang. Haha! Masyado akong natuwa kay kuyang konduktor e.


Both! 😊 ❤ 👍 #bestfriends

Both! 😊 ❤ 👍 #bestfriends


Mini me. Haha! First time ko yatang makithrowback. Hehe. #tbt

Mini me. Haha! First time ko yatang makithrowback. Hehe. #tbt


Dessert. 😆 🍮 🍰 #crave #sweets #chocolatecake #goldilocks

Dessert. 😆 🍮 🍰 #crave #sweets #chocolatecake #goldilocks


Tuesday selfie in the office. Haha! Eh kase tinatamad ako ngayon. Hihi! #selfie #lazy

Tuesday selfie in the office. Haha! Eh kase tinatamad ako ngayon. Hihi! #selfie #lazy


👍 💗 💕

👍 💗 💕


Sunday selfie. Hihi! 😀😊 #selfie #sunday #ootd

Sunday selfie. Hihi! 😀😊 #selfie #sunday #ootd


Random Thoughts

Sa kakabasa ko ng mga story sa wattpad, parang gusto ko na ulit maexperience yung feeling na mainlove. It’s been years I guess? 4 years. Hah! Can’t believe it! After that, puro crush crush na lang! Gaaah. Feeling elementary lang ang peg? Like now, meron akong crush. Yung isa, gwapo! As in gwapo talaga plus the fact na ang bait bait pa niya! Palabati kahit hindi kami magkakilala, napakaangelic pa ng face niya! Nakakainis. Haha! Nainis daw ba. Ang perfect niya, hirap ireach! Naisip ko tuloy, kelan ko kaya mahahanap ang aking ‘the one’. Well, bata pa naman ako haha pero syempre naiisip ko na rin yan. Sa itsura kong ‘to? Charot. Haha. Wala pa nga akong napapatunayan sa buhay, feeling ko hindi na ko magiging successful. Haaay life! Whatever. Sa stage nga pala ng life ko ngayon e, normal lang yung ganitong feeling. Identity crisis? Yeah right. Ang dami kong naiisip. That’s it. Kbye.


1 2 3 4 5 »

theme by heartgrenade | personalized by yours truly